Tilamsik

Tumitibok, lumulundag, itong salawahang puso,
May liwanag na namasdan doon sa malayong dako,
Panaho’y lumilipas, bumibilis ang pagtakbo,
Lahat ba tayo’y nakakapit sa kawagasan ng pagkatao!

Marami na ang nalinlang sa galaw ng mundo,
May mga nanamantala, may pangako na panalo,
Mga kaanak, kapatid, at kaibigan humantong na palalo,
Pag-ibig sa Diyos, pag-ibig sa kapwa, tuluyang nilimot at naglaho.

Diyos ko, Panginoong Ama, ako ba’y ligaw at sa iyo’y lumayo,
Awa mong walang hanggan tuwina’y nais ko’t aking samo,
Katarungan mo’y sigurado, tunay at totoong lalo,
Hangad Mo kaligtasan ko, at pananalig ay lumago!

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top